Friday, May 19, 2006

ang mga kaibigan ko, drowing.


drawing uploaded from www.naturalchild.com


haay. buti na lang may mga natuloy akong lakad dahil sa ilang mga kaladkaring napulot ko...sa lahat ng barkada ko kasi, mas nauudlot yung mga planadong labas kaysa sa biglaan. e ang kaso mahirap biglain kung ang lakad may kasamang bus and boat ride to the beach! at dahil sa katipiran, hindi rin naman sulit kung 2 or 3 lang kayo pupunta so syempre maghihintay ka para pwede lahat...pero wala rin! kainis diba? tapos malaman-laman mo sila nakapunta na pala kung saan-saan... =(

napapaisip tuloy ako -- ako, maayos ang trabaho , ok naman ang sweldo, may mga binabayarang obligasyon pero nakakaraos naman, tapos hindi ako nakakapagtravel nang madalas dahil naiisip ko yung gastos; samantalang may mga kaibigan ako na walang trabaho o mas kaunti ang kinikita pero nakakapunta sa mga lugar na pinapangarap ko pa lang puntahan. hindi naman sa pagiging inggitera (o sige na nga kasama na rin yon), pero talagang ipinagtataka ko yun: bakit ako di ko kayang gawin yun? at nakuha ko ang sagot: kasi hindi ko piniling gawin yun. kaya ngayon, kung gusto kong lumabas at lumakbay nang malayo, gagawin ko na. kahit ako lang!

sya. itutulog ko na muna ito at bigla akong napagod sa kakaplano at kaka-undo ng plano. NEXT!



2 comments:

Anonymous said...

Traveling alone isn't as bad as it seems. It's actually quite fun.

And don't worry too much about travel expenses iha. Cheaper can in fact be better. Be wary of package tours. There are usually easier ways to do things. It just takes a bit of research. Or you can let me know where exactly you want to go and I can help with your itinerary.

Why would I do that for a complete stranger? No reason really, except that traveling is my religion. Think of it as my spreading the word.

ria said...

Saan ka punta? :) Oo mag bakasyon ka naman...