Sunday, May 21, 2006

i couldn't find the words to say how we are so MFEO!


which is why you should just check out the website on the title. *drool*








this one is ok, too...and it comes in purple!



or this one, which looks more professional-like than the previ
ous one, which looks too sporty for a non-athlete like me!













but i could settle for this cute one, too, if the ones above are waaay too expensive for me. ok na rin naman kahit walang expandable memory -- i've got a digicam and an ipod mini, so i might as well us this mainly for its phone features (though it being a fashionable item isn't so bad either).

kelan kaya magiging available ang mga ito sa greenhills? gusto ko na i-trade in ang cellphone ko! sana hindi ito maudlot this time...or worse, mabili ko yan and then another better unit comes along (which is highly likely) =(

the thing with me is that for cellphones i'm not one to change units regularly. only when i need to (like the time mine got stolen 5 years ago), or when it's free (i.e. i upgrade my plan and a new phone comes with it), do i get a new unit. but i have been pining for the perfect clamshell! 2 years ago i got an SE Z600 and traded it in less than a month for an SE K700i when i thought that versatility of features should come before aesthetics. now that the K700i's been acting up do i miss my beautiful Z600 clamshell! wala pa ring tatalo sa ganda niya...pero wiz benta ang added features niya talaga!

so, tama pala yung desisyon kong i-time deposit for 1 month ang naipon ko...para makuha ko na ulit yung funds in a few weeks and hopefully it'll be enough for any of these phones!!!!


Friday, May 19, 2006

ang mga kaibigan ko, drowing.


drawing uploaded from www.naturalchild.com


haay. buti na lang may mga natuloy akong lakad dahil sa ilang mga kaladkaring napulot ko...sa lahat ng barkada ko kasi, mas nauudlot yung mga planadong labas kaysa sa biglaan. e ang kaso mahirap biglain kung ang lakad may kasamang bus and boat ride to the beach! at dahil sa katipiran, hindi rin naman sulit kung 2 or 3 lang kayo pupunta so syempre maghihintay ka para pwede lahat...pero wala rin! kainis diba? tapos malaman-laman mo sila nakapunta na pala kung saan-saan... =(

napapaisip tuloy ako -- ako, maayos ang trabaho , ok naman ang sweldo, may mga binabayarang obligasyon pero nakakaraos naman, tapos hindi ako nakakapagtravel nang madalas dahil naiisip ko yung gastos; samantalang may mga kaibigan ako na walang trabaho o mas kaunti ang kinikita pero nakakapunta sa mga lugar na pinapangarap ko pa lang puntahan. hindi naman sa pagiging inggitera (o sige na nga kasama na rin yon), pero talagang ipinagtataka ko yun: bakit ako di ko kayang gawin yun? at nakuha ko ang sagot: kasi hindi ko piniling gawin yun. kaya ngayon, kung gusto kong lumabas at lumakbay nang malayo, gagawin ko na. kahit ako lang!

sya. itutulog ko na muna ito at bigla akong napagod sa kakaplano at kaka-undo ng plano. NEXT!